Thursday, October 15, 2009

Realization ng isang non-believer ng Insurance


Hindi ako naniniwala na kailangan ng Insurance(kahit ano) ng isang tao hanggat merong itong nakukuhang benepisyo sa kumpanya o kaya naman may sapat na pera pambayad sa hospital.


Pero bakit pag nanunuod ka ng news at tinatanong ang namamatayan kung ano ang nararamdaman nya sa pagkamatay ng kanyang asawa o breadwinner na anak, ang sagot lagi ay "Pano na kami? pano na mga anak ko? Pano na pambayad sa hospital?...


Paano nga ba?


Tama ba ang tanong na "Paano" o dapat ba "ano ang dapat namin ginawa para hindi mangyari to?"


Umiiyak ka na dahil namatayan ka, mas umiiyak ka pa dahil sa paano ka na mabubuhay kasama ang pamilya mo pagkatapos ng trahedya.


Pero bakit ang iba sa atin (5% lang yata ng Pinoy), kapag nawalan ng kapamilya ay madaling nakaka-recover sa mga pangyayari? Sila ang mga taong naghanda sa pamamagitan ng insurance.


Ang masakit nito, hindi ako kabilang sa 5% na yun. Ikaw kaya?


Kapag nagdra-drive ako ng kotse, kapag nanunuod ako ng sine, o kahit anong activities, nagiging paranoid ako na wala sanang mangyari sa kin dahil hindi ako insured at kawawa ang mga maiiwan ko. Worst pa nito, baka sisihin pa ko bakit pa ko nawala at iniwanan ko sila ng may mas mabigat na problema.


Nakausap ko din ang isang retired american friend ko at naitanong ko sa kanya kung pano nilang nagagawang magbakasyon kung saang-saang bansa, bumibili ng lupa at bahay dito sa Pinas, diving dito at kung saan saan, at nakakaya nilang walang ginagawa halos. Simple lang ang sagot nya, sa US daw ay mas aware at well appreciated sila o nila ang kahalagahan ng insurance, retirement o life at kung ano ano pa.


Tsk...Tsk...Tsk...kaya pala dito sa pinas, mga lolo at lola na, makikita mo pa rin na nagpupumilit na magkatrabaho. Minsan nga naawa ako, may nagtanong sa kin na 62 yrs old kung age doesnt matter daw sa pagiging Call Center Agent. Ang tanong ko na lang sa kanya pabalik ay kung kakayanin nya pa ba ang graveyard shift(madaling araw na trabaho). magiging tulad nya ba ko at ikaw pagdating ng 62 years old?


Minsan umatend ako ng libreng financial management seminar at sinasabi nga na isang paraan para maging financially stable ay kumuha ng insurance. Hindi sapat ang savings sa bangko (kung meron), ang sss, ang pag-ibig, para iiwan sa kapamilya o pagdating ng retirement age.


Ngayon naiisip ko na, na dapat i-secure ko ang future ko at ang pamilya ko. Ikaw, secured ka na ba at ang family mo? Kung pareho tayo ng kalagayan, siguro ito ang tamang oras para kausapin ang ating mga kaibigang agent sa Insurance para matulungan tayo. Maraming dumarating na kalamidad na tulad ng bagyong Ondoy at Pepeng, at hindi tayo handa.


Dahil sa dami na nag-alok sa kin ng insurance at hindi ako naliwanagan, pumasok pa ko bilang agent ng isang Insurance company para mas maliwanagan ako kung pano ba talaga at ano ang dapat sa akin. Hindi ko sinasabi na maging agent ka para malaman mo lang ang ins-and-out ng insurance. Oo nga pala, magkaiba ang pre-need at insurance, i-try mo ding i-research sa internet ang pagkakaiba.


Basta ang bottomline dito, kailangan nating maghanda dahil hindi natin kontrolado ang takbo ng araw-araw na mangyayari. Magpasalamat sa bawat araw ng paggising sa bagong umaga.


Roland

PS. Kung nagustuhan mo itong blog, sana ay mag-iwan ka ng iyong comment o kahit anong opinion para sa giliw ng iba. :)

PS2. Ang next post ay patungkol naman sa types of Insurance. sundan mo ha. Thanks.

2 comments:

  1. bro, nice post. dat siguro ang title nito is 'realization ng isang dating non-believer ng insurance', pero agree ako sa mga nasabi mo.

    -rodel

    ReplyDelete